Title: Tumatangging Mag-Intay Pa
Subtitle: Anarkismo at Intersectionality
Date: 2009
Source: https://blackrosefed.org/refusing-to-wait-anarchism-intersectionality/
Notes: Inisalin ni Honey Andres.
d-s-deric-shannon-j-rogue-tumatangging-mag-intay-p-1.png

Maraming maaring matutunan ang anarkismo mula sa peministang kilusan. Sa napakaraming aspeto ay nakatulong na nga ito. Ang “anarcha-feminism” ay nakapagpaunlad ng mga analisis at pag aaral ukol sa patriyarka at kaugnayan nito sa kabuuan ng estado. Ating natutunan mula sa islogan na “Ang personal ay pulitikal” na ang mga kalalakihang naghahangad ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng uri ng tao ayon sa sekswalidad ay kailangang ituring ang mga babae ng may dignidad at respeto. Atin ring natutunan na walang proyektong rebolusyonaryo ang magtatagumpay kung patuloy na sistemikal na dodominahin, kokontrolin at aapihin ng mga kalalakihan ang mga babae, na ang sosyalismo ay may butas na hangarin, gaano man ito mawalan ng kontrol mula sa isang estado, ang dominasyon sa mga kababaihan ay naroroon parin.

Ang sanaysay na ito ay nagpapahiwatig na ang anarkismo ay maaring matuto mula sa teorya ng “Intersectionality” na nagmula sa peministang kilusan. Samakatuwid, ang paniniwala ng mga Anarkista sa ideya ng labanan ng mga uri ay higit na lumawig dahil sa mga kilusang peminista, kilusang sibil, kilusan ng mga ikatlong lahi, kilusan ng mga may kapansanan, atbp. Ngunit paano nga ba natin ibibilang ang ating mga sarili sa mga nabanggit na kilusan? Ano nga ba ang relasyon ng mga nasabing kilusan sa laban tungo sa sosyalismo? Ang mga ito ba ay “huwad na pagkakakilanlang pulitikal” na nagkukubli imbis na linawin ang historikal na gampanin ng manggagawang uri? At kung hindi naman, paano ibibilang ng mga Anarkista ang mga alalahanin at tunguhin ng mga nasabing kilusan sa ating pulitikal na teorya at gawain?

Bakit “Intersectionality”? Paano Tayo Napunta Dito

Maraming tao ang naniniwala na nagmula ang peministang kilusan sa Estados Unidos, kung saan hangad na makaboto ng mga kababaihan. Ang pokus sa elektoralismo ay kinekwestyon ng mga radikal na kababaihan ngayon. Ano nga ba ang naidulot ng kahintulutang bumoto ng mga babae sa manggagawang uri? Paanong nakakatulong ang pagboto sa pagpapakain sa mga kababaihan at kanilang mga pamilya? Sa totoo lamang, maraming kababaihang radikal ngayong panahon ang itinatangging sila ay mga “peminista” sa kadahilanang tinitingnan nila ang peminismo bilang isang burgis na kilusang kababaihan na nagsasawalang bahala sa labanan ng mga uri (para sa isang interesanteng diskusyon ukol sa kontekstong ito, basahin si Ackelsberg 2005:118–119 at 123–124). Samakatuwid, maraming kababaihang nabibilang sa manggagawang uri ang nakakakitang ang mga kaagapay nilang “peminista” ay mga kakampi ng mga may “taglay ang pwersa ng mga determinadong kalaban ng manggagawang uri, mahihirap at walang minana” — kung saan kanilang nakikita na ang kilusang peminista ay isang burgis na kilusang pangkababaihan na walang hain na solusyon para sa kahirapan at pagkaapi ng mga manggawang uri sa isang lipunang nahahati ng mga uri (Parker 2001:125).

Ang mga Anarkista sa panahon ngayon, sa kabilang banda, ay nakikibahagi sa ilang argumento ukol sa “Intersectionality” sa loob ng kilusang peminista. Ating tinututulan ang “pagbabawas” ng mga uri na laman ng kapaligirang Sosyalista. Ilang anarkista noon pa man ang nagsulat ng ilang argumento ukol sa prostitusyon at pagbebenta ng mga tao (Goldman 2001), pwersahang isterilisasyon (Kropotkin 2001) at kasal (de Cleyre 2004 at 2001) upang palawigin ang kritika o pagpuna sa sistemang hierarkiya na nagbibigay ng pansin sa mga isyung kinakaharap ng mga kababaihan pati na rin ang pananaw ng Sosyalismo tungo sa isang hinaharap na tulungan-usungan at lipunang walang mga uri. Marami sa mga sulating ito ang nagpapakita ng mga kaugnayan sa pagitan ng pagkakaapi ng mga kababaihan at pananamantala sa manggagawang uri. Ang pagtanggi ng maraming kababaihang kabilang sa manggawang uri na bumilang sa kanilang mga kapanabay na peminista ay nagpapakitang gayun padin naman ang problemang hatid ng isang pagkakakilanlang-pangkalahatan na nakabatay sa peminismo, na naniniwalang maaring labanan at pagtagumpayan ang laban ng mga kababaihan ng isinasawalang bahala ang laban sa kapitalismo.

Ito ay hindi nagpapahiwatig na ang mga Anarkista ay hindi “reductionist” sa lahat ng panahon. Sa kasamaang palad, maraming mga anarkistang lalaki ang isinasantabi ang mga isyung pangkababaihan. Bahagi ng dahilan ng Mujeres Libres ng Espanya sa pagtatayo ng isang hiwalay na pangkababaihang organisasyon noong digmaang sibil ng Espanya ang “maraming mga anarkista ang itinuturing ang isyung pangkababaihan bilang sekondarya lamang sa pagpapalaya ng mga manggagawang uri, isang problemang mabibigyang solusyon pagkatapos mapagtagumpayan ang rebolusyon” (Ackelsberg 2005: 38). Sa kasamaang palad, sa ilang konteksto, ang saloobing ito ay hindi lamang isang historikal na pagkakatuwa, kahit pa ito ay dapat na ganoon. At isa ang palagay na ito sa senaryong teyorikal ng “second wave” ng peminismo.

Ang mga Magkakatalong Hangarin sa “Second Wave”

Noong mga huling bahagi ng dekada 60 hanggang 80, maraming anyo ng peminismo ang nagsimulang lumitaw. Maraming mga peminista ang nagkumpetensiya ukol sa iba’t-ibang teoryang nagpapaliwanag sa pagkakaapi ng mga kababaihan. Katulad ng kanilang historikal na hinahalinhingan ng mga burgis, ang liberal na peminismo ay hindi naniniwalang ang rebolusyon ang sagot sa sakit ng lipunan ngayon. Samakatuwid hangad nila ang makapaglagay ng mas maraming kababaihan sa mga posisyong politikal at ekonomikal. Hangad nila ang “pagsira sa kisameng salamin “. Ipinagpapalagay ng mga liberal na peminista na ang nabubuhay na kaayusang institusyonal, sa simula pa lamang, ay walang hatid na problema. Ang kanilang tungkulin ay siguraduhing laman ng sistemang kapitalista ang pagkakapantay pantay ng mga kababaihan sa ibang uri ng tao sa lipunan.

Isa pang teorya, na minsa’y tinatawag na peminismong radikal, ang naniniwalang kailangang tanggalin ang mga makakaliwang kalalakihan. Maraming mga kababaihang nagmula sa mga Kilusang Sibil at anti-digmaang kilusan ang dumadaing na nakaranas sila ng malaganapang seksimo sa loob ng Kilusang Makakaliwa, kung saan lagi silang ibinababa sa mga tungkuling sekretaryal, mga lider na nanamantala sa ‘pagkababae’ ng isang babae at isang pangkalahatang paglalayo sa kanila mula sa pulitikang makakaliwa. Ayon sa napakaraming napapanahong mga peministang radikal, ang mga nasabing karanasan ay hatid ng kahigitan ng sistemang patriyarka — o sistematikal at institusyonal na pagdodomina ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Para sa mga peministang ito, ang laban sa patriyarka ay ang pangunahing laban tungo sa isang malayang lipunan, dahil ang kasarian ang pamalagian at pinakamatandang basehan ng hierarkiya (tingnan si Firestone 1970).

Ang peministang Marxista sa kabilang banda, ang siyang tumitingin sa pagkakaapi ng mga kababaihan mula naman sa kalagayang pang ekonomikal. Ang laban sa Kapitalismo ay nakikita bilang pangunahing laban na “Ang pinagmulan ng mga nabubuhay na lipunan sa ngayon ay mula sa kasaysayan ng labanan ng mga uri” — na ang kasaysayan ng tao ay maipaliliwanag ng mga uring mayroon hanggang ngayon (Marx at Engels 1967). Pinaniniwalaan din ng mga peministang Marxista na ang pundasyong ekonomikal ng isang lipunan ay mayroong malawigang epekto sa kultural na pagsasahimig, kung kaya’t ang natatanging paraan upang makamit ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa lipunan ay ang pagkawasak ng kapitalismo — at ang mga bagong egalitaryang kaayusang ekonomikal ang syang magbibigay daan sa isang panibagong egalitaryang kultural na pagsasahimig. Ito ang mga katangiang likas sa ekonomikong pundasyon.

Sa pagitan ng pagsasalitaan ng mg peministang Marxista at peministang radikal isa na namang teorya ang nabigyang daan, ang “dalawahang sistemang teorikal” (tingnan si Hartmann 1981; Young 1981). Ang produkto ng sinasabing Sosyalistang Peminismo, ang dalawahang sistemang teorikal ay naniniwalang ang mga peminista ay nangangailangang magbuo ng “isang teorikal na ulat na higit na nagpapahalaga sa sistema ng patriyarka kaysa sa sistema ng kapitalismo” (Young 1981;44). Bagaman malaki ang naitulong ng teoryang ito sa paglutas kung alin ba ang pangunahing labang dapat tunguhin (katulad ng laban ba sa patriyarka o laban sa kapitalismo), marami paring naiwang usaping kailangan ng diskusyon. Isang halimbawa na lamang ang argumento ng mga itim na peminista na ang teoryang dalawahang sistemang teorikal ay nalimutang suriin ang konsepto ng mga lahi (Joseph 1981). Higit pa dito, saan nagmula o nakabatay ang pagkakaaping batay sa sekswalidad, abilidad, edad, atbp. Sa analisis na ito? Ang lahat ba ng mga ito ay maikakahon sa kapitalismo at patriyarka?

Mula sa senaryong teorikal na ito umusbong ang “Intersectionality.” Ngunit hindi lamang ito isang abstraksyon o teorya na nakapaghatid ng ganitong pananaw. Katulad ng naunang nabanggit, bahagi ng dahilan kung bakit sa tingin ng mga peminista ay kailangan ng isang hiwalay na analisis ukol sa patriyarka bilang isang sistematikong uri ng pang aapi, ay dahil sa kanilang mga karanasan mula sa Kilusang Makakaliwa. Kung walang analisis ukol sa patriyarka na naglagay sa kapitalismo bilang isang organisadong sistema sa ating buhay, walang sapat na tugon sa mga lalaking lider na nagpapahiwatig na pakitunguhan natin ang pagkakaapi ng mga babae pagkatapos nating ayusin ang mga pangunahing isyu o mas importanteng laban ng uri. Ngunit ang mga ganitong alalahanin ay hindi lamang umiiral sa makakaliwang kilusan, bagkus ay makikita rin sa peministang kilusan. Isa sa mga natatanging halimbawa ng eksistensya nito ay ang mga Pro-choice na kilusan sa Estado Unidos.

Bago ang tunggalian sa pagitan ni Roe at Wade noong 1973, ang batas ukol sa aborsyon ay itinuturing na isyung kinakaharap ng estado sa estado. Kumilos ang mga peminista upang magkaroon ng garantiyang magiging legal ang aborsyon sa kanilang bansa. Inilabas ng mga namumuno ang pahintulot na legal na aborsyon sa ikalawang trimester ng pagbubuntis ngunit walang malinaw na opsyon sa mga “pagpipilian”at “legalisasyon.”

Ang karanasang ito ang nagtakda ng isang yugto upang pag-isipang muli ang ideya ng kung paano tinitingnan ang isang unibersal, karanasang monolitik ng “pagkababae” sa tradisyunal na pulitikang pagkakakilanlan. Ang mga itim na peminista at womanista, halimbawa, ang naniniwalang ang pagtutuon lamang sa pagsasalegal ng aborsyon sa Estados Unidos ay nagkukubli sa isyu ng pwersahang isterilisasyon at karapatang magkaanak (tingnan si Roberts 1997). Karagdagan pa dito, ang mga babaeng nabibilang sa manggagawang uri ang naniniwalang ang pagsasalegal ng aborsyon ay walang silbi kung walang sosyalismo, sapagkat ang pagkakaroon ng aborsyon ay legal ngunit dahil hindi kayang tustusan ay hindi maka “kagustuhan.” Maraming kababaihan ang gustong magkaanak ngunit hindi nila ito kayang palakihin dahil sa gastusin; ang ilan ay gusto ng pagbabago sa mga nakagawian, kultura at ugali sa lipunan na humuhusga sa desisyon ng mga kababaihan ukol sa kanilang katawan; ang ilan ay gusto ng kalapitan sa mga klinika para sa kanilang “reproductive health” — sa maikling salita, ang nais nila ay isang balangkas ng isang malayang ‘pag-aanak’ na binibigyang halaga ang interes ng lahat ng kababaihan, hindi lamang iyong naksentro sa alalahanin ng mga babaeng mapuputi,heterosekswal, midel-klas (ang tila kakulangan ng kilusang “pro-choice”).

Sangandaan

Ang mga karanasang ito sa loob ng kilusang peminista at malawak na Kilusang Makakaliwa ay naghatid ng napakaraming tanong para sa mga peminista. Paano nga ba natin malilikha ang isang kilusan na hindi nakasentro sa interes ng mas pinapaboran nitong grupo o elemento? Paano natin mapapanatili ang pangako sa Sosyalismo na hindi tinitingnan ang isyu ng mga kababaihan bilang ‘sekondarya’ lamang? Ano ang maaring wangis ng isang organisasyong pulitikal na nakabatay sa isang karaniwang tunguhin na bigyang katapusan ang dominasyon sa halip na magpalagay sa iisang karaniwang karanasang nakabatay sa iisang pagkakakilanlan? Ang mga tanong na ito ay sinimulang bigyang kasagutan ng ilang peminista, queers, at mga radikal sa pamamagitan ng teorya ng Intersectionality — isang teorya na kritiko ng tradisyunal na pag-uuri ng tao at pagkakakilanlang pulitikal (tingnan si Hooks 200: Collins 2000).

Ang Intersectionality ay nagpapalagay na ang sosyal na lokasyong nakabatay sa lahi, uring kinabibilangan sa lipunan, kasarian, sekswalidad, nasyong pinagmulan, abilidad, edad atbp ay hindi madaling masusuri mula sa isa’t-isa. Sa pagpapahayag ukol sa isang pangkalahatan o unibersal na karanasan bilang isang babae, halimbawa, ang karanasan ng pagkababae ay nakabatay sa lahi, uring kinabibilangan, sekswalidad—at ilan pang mga salik o dahilan. Kung kaya’t ang isang hindi-mapanimdim na kilusang peminista ay maaaring mauwi na lamang sa pagpapakita sa interes ng mas nakikinabang na myembro ng nasabing kategoryang sosyal.

Ilan sa ating mga iba’t-ibang sosyal na lokasyon at hierarkiya, gayunpaman, ang bumabagtas sa isang masikot na pamamaraan at hindi basta-basta mapaghihiwalay. Ang mga tao ay hindi umiiral batay sa kanilang “pagkababae,” “pagkalalaki,” “pagiging maputi” ”pagkabilang sa manggagawang uri”; atbp., sa isang bakyum na hubad sa iba pang balangkas ng mga relasyong sosyal. Karagdagan pa dito, ang sistema ng pagsasamantala at pang-aapi ay umiiral sa pamamagitan ng iba’t-iba at kakaibang pamamaraan. Ilan sa mga ito, halimbawa, ang uri ay isang relasyong sosyal na nakabatay sa trabaho ng isang tao. Bilang mga sosyalista, ating hinahangad ang paglansag sa uri ng tao sa lipunan, hindi ang katapusan ng elitismo ng mga uri sa ilalim ng kapitalismo. Ito ang nakapagbibigay ng kakaibang katangian ng uri. Katulad din nito and ideya ng ‘sexual orientation’ na nalinang nong 1800 kaalinsabay ang pagkatuklas ng mga ‘homosexual’ bilang isang klase ng tao o species. Ang bagay na ito ay naging mapaglikha at epektibo sa pagtatalaga ng pagkakakilanlan ng isang taong piniling magkaroon ng ‘pagpili’ sa kanilang magiging katuwang na sekswal, habang isinasawalang bahala ang paraan ng nakararami kung paano sila nag-oorganisa ng kanilang sekswalidad (katulad ng dami ng sekswal na katuwang, mga gawaing sekswal, atbp). Ito rin ay epektibong lumilimita sa pagkakakilanlang sekswal na nasa tatlong kategorya: hetero, homo at bi — na tila hindi posible ang pagkakaroon ng mas marami at malawak na atraksyon at pagkakaiba ang sangkatauhan. Bahagi ng liberasyong nakabatay sa sekswalidad ang nakakagulo sa mga kategoryang ito na makapagbigay ng mga maari pang mag-eksistensyang sekswal o sosyal na pamumuhay ng lahat. Ito ang dahilan kung bakit ang sekswalidad ay natatangi.

Ang mga istrukturang ito ng di pagkakapantay-pantay at ng hierarkiya ang siyang nagpapabatid at sumusuporta sa isa’t-isa. Halimbawa, ang gawain ng kababaihan sa pagbubuntis at pagpapalaki ng bata ay nagbibigay ng panibagong katawan para sa mas malawig na pagawaang sosyal ng kapitalismo upang magpatuloy. Ang paghahari ng may mapuputing kulay ng balat o kutis at kapootang panlahi ang siyang nagbibigay pahintulot sa kapitalismo upang makontrol ang mga bahagi ng ‘labor market’ na nagbibigay ng mura o mababang pasahod. Ang sapilitang ‘heterosexuality’ ang nagbibigay daan sa pananaig ng patriyarkal na uri ng pamilya, nagbibigay lakas sa patriyarka at pangdodomina o pangongontrol ng mga kalalakihan. At ang lahat ng iba pang balangkas ng di pagkakapantay-pantay ang dumadagdag sa nihilistikong paniniwala na ang mga institusyonal na hierarkiya ay hindi maiiwasan at ang mga mapagpalayang kilusan ay nakabatay lamang sa mga pangarap na ‘utopian’.

Ang mga nagbibigay ng proposisyon sa Intersectionality ang nagpapaliwanag na ang lahat ng pagpupunyaging laban sa dominasyon ay kinakailangang piraso para sa pagkakalikha ng isang mapagpalayang lipunan. Hindi kinakailangan na lumikha ng isang ‘totem pole’ ng pagpapahalagang mula sa mga pagpupunyaging sosyal; at ipahiwatig na ang ilang pakikipaglaban ay ‘primarya’ habang ang ilan ay ‘sekondarya’ o ‘peripheral’ dahil sa paraan kung paanong ang mga ito ay nagkukumpetensiya na siyang nagbibigay daan upang ang mga ito ay magsangang-daan at magpabatid sa isa’t-isa. Karagdagan pa dito, ipinapakita sa atin ng kasaysayan na ang ganitong paraan ng pagsasaayos ng kaapihan ay mapanghati at hindi kinakailangan — at ang mas masama pa ay pinapanghina nito ang pagkakaisa. Idagdag pa dito na tuwing magpaplano, magsasaayos at magpapaunlad ng mga kasanayang pulitikal, maari tayong pasariling ilipat ang mga palugid bilang sentro ng ating mga pagsusuri upang maiwasan ang ‘pagkiling ng pribilehiyo’ na siyang makasaysayang humahantong sa napakaraming pagkakahati-hati ng peminismo at Makakaliwang Kilusan.

Isang mabuting kapanabay na halimbawa ng Intersectionality sa konteksto ng mga gawaing kilusang sosyal ang ‘Incite! Women of Color Against Violence’. Ang Incite! ay isang ‘nasyonal na organisasyong aktibista na isinusulong ang isang kilusan upang wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihang may kulay (women of color) at ating mga komunidad sa pamamagitan ng direktang aksyon, mapunahing pag-uusap at pag-oorganisang ‘grassroot’ (Incite! 2009). Isa sa mga dahilan kung bakit nangingibabaw ang Incite! sa iba pang grupong anti-karahasan ay ang kanilang mga sistematikong pagsusuri. Kanilang nakikita ang mga kababaihang may kulay na nakaranas ng karahasan bilang pamumuhay sa napakadelikadong sangangdaan ng ‘white supremacy’, patriyarka, kapitalismo at ibang mapagsamantalang istruktura at mga institusyon. Sa halip na basta na lamang pababain ang mga karanasan sa mga indibidwal, kanilang kinikilala ang sistemang mapanamantala at mapang-api sa mga tao at mayroong balangkas sa pamamaraan na nanawagan ng pagpansin sa mga kasamang ‘marginalized’ o isinasantabi, salungat sa paraan ng ‘inclusiveness’ o pagbibilang na siyang payak na nakapagdaragdag ng isang multicultural na bahagi sa makasarili, at kinokontrol ng mga ‘puti’ na pagsasaayos na laganap sa Estados Unidos. Sa halip, sila ay nananawagan para sa pagpansin o pagsasaayos muli ng balangkas ukol sa mga taong isinasantabi. Ito ang nakapagtutulak upang matiyak na ang kanilang pag-oorganisa o pagsasaayos ay binigyang halaga ang pangangailangan ng mga hindi nabigyang pansin o napapansin ng peminismo, nang may pagkakaunawang ang lahat ng tao ay may pakinabang sa pagpapalaya ng ating kapwang kabilang sa grupo ng mga ‘marginalized’ o isinasantabi — habang tumutuon sa mas may pribilehiyong elemento sa loob ng isang takdang sosyal na kategorya o kaurian na isinasantabi ang iba (tulad na lamang ng halimbawang ibinigay ukol sa laban sa karapatang makaboto at pagsasalegal ng aborsyon). Ipinupunto ng Incite! na kailangang bigyang pokus ang pangangailangan ng mga manggagawang uri na madalas ay kinaliligtaan (halimbawa ang mga nagaalok ng aliw, mga nakapiiit, mga gumagamit ng droga at ‘transfolks’). Sa pagbibigay tuon sa mga taong ito habang nag oorganisa, nabibigyang-tuon ang mas nakakaraming nasa bingit ng mapanganib na sangandaan ng pananamantala at pang-aapi, samaktuwid ay binigyang pansin ang kabuuan ng sistema at hindi lamang ang mas nakikita o nakalalamang na anggulo o aspeto. Karagdagan pa dito, ang Incite! ay tinitingnan ang estado bilang pangunahing may sala sa pagpapalaganap ng karahasan sa mga kababaihang may kulay at nagnanais na makapagbuo ng mga ‘grassroot’ na organisasyong nagsasarili at laban sa karahasan. Ang mga anarkista ay maaring matuto mula sa Incite! tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay pansin sa pangangailan ng lahat ng seksyon o bahagi ng manggagawang uri at ang tangkang siyasatin ang tendesiya ng mga Makakaliwang grupo na kaligtaan o huwang dinggin ang mga alalahanin, pangangailangan, ideya at liderato ng mga taong namumuhay sa mapanganib na sangandaan ng kapitalismo, ‘white supremacy’, patriyarka, atbp.

Ano ang Mailalaan ng Anarkismo sa Teorya ng Intersectionality?

Kami’y matatag na naniniwala na ang proseso ng pagkatuto ay magkabilaang daan. Ito ay, kapag binubuo ang mga gawaing nagpapabilang sa mga alalahanin ng mga peminista, ang peminismo ay maaring manindigan upang magkaroon ng pakinabang at magkaroon rin ng pagkatuto mula sa anarkismo. Ating makikita ang mga kontribusyon ng mga anarkista sa Intersectionality sa dalawang pangunahing salik. Una, ang anarkismo ay makapagbibigay ng isang radikal na basehan upang punahin o bigyang kritiko ang Intersectionality. Pangalawa, ang mga anarkista ay nagaalok ng isang kritikal na puna o kritiko ng estado.

Madalas, ang mga taong gumagamit ng pagsusuri o analisis ng Intersectionality ay nakakaligtaan ang katangian o pagkakaiba ng sari’t-saring sistema ng dominasyon. Isang paraan upang ito ay mangyari ay sa pamamagitan ng pagbigkas ng isang pangkalahatang pagsalungat sa klasisismo. Habang naniniwala tayo na ang elitism ng ilang uri ay nananaig, madalas na ang pagsalungat na ito sa klasismo ay hindi kinikilala ang kakaiba o tanging katangian ng kapitalismo at maaring umakay sa isang katayuang tiyak na humihimok upang wakasan ang elitism ng mga uri sa ilalim ng kapitalismo. Bilang mga anarkista, hindi natin lamang basta-basta kinakalaban ang elitism ng mga uri, atin mismong sinasalungat ang mga uri sa lipunan. Hindi natin kagustuhan na pakitunguhan tayo ng mayayaman sa isang higit na magandang paraan sa ilalim ng isang sistemang nakabase sa hindi pagkakapantay-pantay at pagsasamantala (halimbawa ang kapitalismo). Gusto nating ibagsak ang kapitalismo at bumuo ng isang bagong lipunan kung saan ang pag-uuri ng tao ay hindi umiiral—iyan ay ang paglaban natin tungo sa Sosyalismo. Ang mga anarkista, bilang bahagi ng mga kilusang sosyal, ay may mahusay na kinalalagyan upang bigyang kritika o puna ang liberal na pagpapaliwanag o interpretasyon ng Intersectionality (tingnan si Schmidt at Van Der Walt 2009).

Gayundin naman, bilang mga anarkista, tayo ay nasa isang mahusay na kinalalagyan upang isulong ang ating mga kritika o puna sa estado. Ang estado, higit bilang isang takda ng mga partikular na institusyon (katulad na lamang ng korte, pulisya, mga kinatawang pulitikal tulad ng senado, president, atbp) ay isang ugnayang-sosyal. At ang estado ay mayroong malawak na impluwensya sa ating mga buhay sa napakaraming paraan. Halimbawa na lamang, ang mga taong nakulong na ay nanatiling walang trabaho kahit sila ay mga nakalaya na, partikular na kung sila ay nagkasala ng isang mabigat na kasalanan tulad ng pagpatay o pagnanakaw. Kailangan lamang bigyan ng hapaw na pagtingin ang panlahi o pang-uring ‘make-up’ ng mga kulungan sa Estados Unidos upang mabatid kung paano nating magagamit o maiuugnay dito ang Intersectionality. Ang mga dating nakulong, mga manggagawang tinutudla sa kadahilanang sila’y laman ng mga strike o humalina sa mga direktang aksyon at/o kasuwailang sibil, atbp. lahat sila ay mayroong tiyak o sariling pangangailangan bilang saklaw ng isang lipunang nagpapalagay sa mga namumunong pulitikal at pasibo at pinasiyahang sakop ng mga ito. At ang estado ay may kaugaliang tudlaan ang tiyak na grupo ng mga manggagawa batay sa kanilang pamumuhay sa loob ng mapanganib na sangadaang nabanggit sa itaas. Maaring ihandog ng mga anarkista ang teorya ng Intersectionality bilang isang pagsasaliksik o analisis ng mga paraan kung paanong pinamunuan ng estado ang ating mga buhay katulad ng iba pang institusyonal na sistema ng pagdodomina. At maari din nating ipakipaglaban ang pagwasak sa ganitong sosyal na kaayusan at palitan ito ng isang kalagayan sosyal na hindi hierarkal.

Pagtanggi sa Paghihintay

Sa napakaraming paraan, ang mga anarkista ay makasaysayang nakikiisa at umaasam sa mga ideyang hatid ng Intersectionality. Karagdagan pa dito, ang anarkismo ay isang pulitikal na pilosopiya — at isang kilusang laban sa lahat ng anyo ng nakabalangkas na dominasyon, pagpigil at pamamahala — tila tiyak na angkop sa mga gawaing ‘intersectional’. Sa kasamaang palad, mayroon pa rin tayong mahinang pangangatwiran ukol sa pangunahing salik ng hierarkiya at kung alin ba ang higit na dapat pagtuunan ng pansin. Katulad noon, ang mga ito ang naghahatid sa atin sa pagkakahati-hati at kawalan ng pagkakaisa (isipin mo na lamang ang pakiramdam ng masabihang isuko ang iyong laban dahilan lamang sa hindi ito ang ‘primaryang’ dapat ipakipaglaban!). Karagdagan pa dito, ang pagwasak sa iba pang nakabalangkas na hierarkiya ay mayroon mapagpahinang epekto sa iba, katulad na lamang ng payak na pagkakaroon ng alin man sa mga sosyal na pagkakahating ito ang siyang nagsisilbing kalikasan ng iba pang eksistensya ng iba pang uri ng hierarkiya.

Ating sinubukang ipaliwanag dito ang pagpapailanglang ng teorya ng Intersectionality sa loob ng peminismo at ipaliwanag ang ayos nito. Marahil ay mas mahalagang sabihing, ating sinubukang iugnay ang teoryang ito (sa pamamagitan ng akdang ito) sa mga gawaing pulitikal, ang pakikipaglaban ng mga kilusang sosyal upang maiwasan ang abstrakto at pagpapalagay na walang pagkilos. Aming inaasahang mas higit pang mga anarkista ang kikilalanin o malalaman ang Intersectionality at ilagay ito sa isang positibong paraan upang magamit sa ating mga pulitikal na gawain. Higit sa lahat, aming inaasahang na mas nakakaraming tao mula sa mga grupong hindi binibigyang pansin (marginalized groups) ang tumangging maghintay na lamang, na ating kinikilala ang kahalagahan ng lahat ng laban labag sa kawalang hustisya at hierarkiya — at ating buuin ang isang pasariling gawain o praktikong nakabatay sa pagkakaisa at tulungan-damayan sa halip na paghiwa-hiwalayin ng kaisipan ukol sa kung anu ba ang primarya o sekondaryang laban o ‘peripheral’. Sa halip, ang lahat ng mga nabanggit ay magkakaugnay at lahat tayo ay may sapat na dahilan upang tumangging maghintay na lamang hanggang bigyang tuon o pansin sila ng rebolusyon!

Talasanggunian

Ackelsberg, Martha A. 2005. The Free Women of Spain: Anarchism and the Struggle for the Emancipation of Women. Oakland: AK Press.

Collins, Patricia Hill. 2000. Black Feminist Thought: Knowledge, Consciousness, and the Politics of Empowerment. New York: Routledge.

de Cleyre, Voltairine. 2001. “They Who Marry do Ill.” Pp. 103–113 in Anarchy!: An Anthology of Emma Goldman’s Mother Earth, edited by Peter
Glassgold. Washington, D.C.: Counterpoint.

_____. 2004. “Sex Slavery.” Pp. 93–103 in The Voltairine de Cleyre Reader, edited by A.J. Brigati. Oakland: AK Press.

Firestone, Shulamith. 1970. The Dialectic of Sex: The Case for Feminist Revolution. New York: Morrow.

Goldman, Emma. 2001. “The White Slave Traffic.” Pp. 113–120 in Anarchy!: An Anthology of Emma Goldman’s Mother Earth, edited by Peter Glassgold. Washington, D.C.: Counterpoint.

Hartmann, Heidi. 1981. “The Unhappy Marriage of Marxism and Feminism: Towards a More Progressive Union.” in Women and Revolution, by Lydia Sargent (ed.). Boston, MA: South End Press.

hooks, bell. 2000. Feminism is for Everybody: Passionate Politics. Cambridge, MA: South End Press.

Incite!. 2009. http://www.incite-national.org/. Last accessed, October 2009.

Joseph, Gloria. 1981. “The Incompatible Menage à Trois: Marxism, Feminism, and Racism.” in Women and Revolution, by Lydia Sargent (ed.). Boston, MA: South End Press.

Kropotkin, Peter. 2001. “The Sterilization of the Unfit.” Pp. 120–123 in Anarchy!: An Anthology of Emma Goldman’s Mother Earth, edited by Peter Glassgold. Washington, D.C.: Counterpoint.

Marx, Karl and Friedrich Engels. 1967. The Communist Manifesto. Harmondsworth: Penguin.

Parker, Robert Allerton. 2001. “Feminism in America.” Pp. 124–126 in Anarchy!: An Anthology of Emma Goldman’s Mother Earth, edited by Peter Glassgold. Washington, D.C.: Counterpoint.

Roberts, Dorothy. 1997. Killing the Black Body: Race, Reproduction, and the Meaning of Liberty. New York: Vintage.

Schmidt, M. & van der Walt, L. 2009. Black Flame: The revolutionary class politics of anarchism and syndicalism. Oakland: AK Press.

Young, Iris. 1981. “Beyond the Unhappy Marriage: A Critique of the Dual Systems Theory.” in Women and Revolution, by Lydia Sargent (ed.). Boston, MA: South End Press.