Malaginoo Tagalog
Malaginoo
Quarantine
[tl]
Una, nang lumala ang krisis, walang mass testing. Hindi raw kaya ng gobyerno. Hindi nila tuloy nalaman kung gaano kalala ang sitwasyon. Naubusan ng mga equipment ang mga ospital, kaya ang mga health worker na nag-aalaga, nagkasakit at pinauwi. Kada araw, nadadagdagan ang mga nagkakasakit, nauubusan na sila ng espasyo para sa bagong pasyente. Habang may mga politiko na kahit retirado na agad pinagpa-test, may mga namamatay nang hindi nalalaman kung COVID nga ang ikinamatay. Kapag may umaalma, may nagreklamo, pinaparatangan at inaaresto agad bilang terorista.