Tagalog

      English

      Bisaya

Tagalog

Ang pag-aresto kay Dr. Walden Bello ay patunay na ang libel, sistema ng pagpiyansa, at pre-trial detention (ang pangungulong habang hindi pa nadidinig ang kaso sa korte) ay mga sandata ng panunupil ng estado. Mariin naming kinukundena ang kawalang-katarungang ito at nakikiisa kami sa panawagang #HandsOffWaldenBello!

Mahalagang alalahaning hindi ito nangyayari kay Dr. Bello lamang, at naibabalita lamang ang kaso ni Dr. Bello dahil sa kanyang estado at posisyon sa lipunan. Araw-araw, maraming ordinaryong mamamayan ang binabantaan ng libel ng mga may pribilehiyo at kapangyarihan; sa katotohanan nga ay ginagamit ng mga nang-aabuso ang libel upang sapilitang patahimikin ang mga biktima’t survivor ng pang-aabuso at harassment na nagsasalita tungkol sa kanilang mga karanasan. Tinatawag ito ng mga eksperto sa kalakaran ng kriminal at legal na aspeto ng domestic abuse bilang “litigation abuse.”

Maliban pa dito, ayon sa BJMP Jail Population Data nitong ika 30 ng Hunyo 2022, 118,172 o 90% ng mga nakakulong ay naghihintay pa ng hukuman, sumasailalim sa hukuman, o naghihintay ng hatol sa kanilang kaso.[1] Maraming Pilipino ang nananatiling nakakulong dahil sa kawalan ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili — kawalan ng pampyansa o pambayad sa legal na suporta at iba pang mahalagang pangangailangan upang mailaban ang kanilang kaso. Ito ang sitwasyon ng maraming pamilyang apektado ng Digmaan Kontra Droga, at karamihan sa kanila ay ni hindi pa nadinig ang kaso sa korte. Hindi ito masosolusyunan ng “reporma” ng sistema; bagkus, sinasalamin ng mga isyung ito na ang pangunahing problema ay ang sistema mismo. Ang “pagpapabuti” o “pagpapabilis” ng “tamang proseso” ng hukuman ay hindi wawakasan ang sistematikong panggigipit ng mga tao, lalo na sa mga nakakaranas ng patong-patong na pang-aapi.

I-dekriminalisa ang libel, buwagin ang sistema ng pagpiyansa at ang pre-trial detention!

Walang hustisya sa pambabartolina![2] Walang kaligtasan sa pamumulis at pangungulong. Itanim at palaguin natin ang pagkalinga at pananagot sa isa’t isa. Tumungo tayo sa tunay na kaligtasan imbis na santuhin ng estado.

Halina’t tumbahin natin ang presinto![3]

English

The arrest of Dr. Walden Bello only confirms that libel, bail, and pre-trial detention are tools used for state suppression. We condemn this injustice and stand in solidarity in declaring #HandsOffWaldenBello!

This does not happen only to Dr. Bello, and Dr. Bello’s case is well-known due to his status and position. Yet, ordinary citizens are threatened with libel by those with privilege and power every day; in fact, libel is used by abusers to silence survivors of abuse and harassment who speak up about their experiences. Experts on navigating the criminal legal aspect of domestic violence have called this “litigation abuse.”

Apart from this, based on BJMP Jail Population Data as of 30 June 2022, 118,172 or 90% of people who are locked up are awaiting trial, undergoing court trial, or awaiting for final judgment.[4] Filipinos remain detained due to lack of resources to defend themselves — either because they could not pay bail or because they cannot afford legal support and other important resources to make their cases. This has been the reality of many families affected by the War on Drugs, many of whom to this day have not seen a day in court. It must be said that this cannot merely be addressed by “reforming” the criminal legal system; these issues reflect that the fundamental problem is the system. “Improving” or “speeding up” the so-called “justice” system will not end the systemic marginalization of people, especially those experiencing multiple oppressions.

We call for the decriminalization of libel, the abolition of bail, and the end of pre-trial detentions!

We demand decarceration[5] and abolition! Policing and carcerality do not keep us safe. We need to build and nurture systems of care and accountability. Let’s work for true safety. Not the sanctity of the state.

Abolish policing and prisons![6]

Bisaya

Sa pagdakop ni Dr. Walden Bello, ginapakita sa estado dinhi kanato ang usa ka-ngilngig nga kamatuoran. Ang kamatuoran nga ang libelo, ang pagpiyansa, ug ang pre-trial detention (ang pagpamriso samtang wala pa miabot ang kaso ngadto sa korte) kay mga galamiton lamang para pagpanglupig kanato. Mao na’ng sa diha nga kusog ang amoa’ng pag-kondenar niini’ng inhustisyaa. Mao sab na’ng nagkahiusa gyod kami sa pagpanawag nga #HandsOffWaldenBello!

Apan dili ra kini mahitabo kutob ni Dr. Bello. Ang kaso batok kaniya kay nailhan man tungod sa iyaang kahimtang, posisyon, ug pagka-ilado. Kada-adlaw, aduna’y mga ordinaryo’ng mga tawo nga ginahudlat og libelo sa mga adunahan ug gamhanan. Sa kamatouran, ang libelo kay gamiton kini sa mga abusado nga isip pampahilom sa mga nabiktima ug surbaboyr sa sekswal nga pag-abuso ug pagpanghasi, labina sa mga desididong mupagawas sa ilang mga nakasinatian. Ginatawag kini’g “litigation abuse” sa mga eksperto nga nagalawig niini’ng kriminal ug legal na aspeto sa domestic violence.

Gawas pa niini, base sa BJMP Jail Population Data as of 30 June 2022, 118,172 o 90% sa mga piniriso kay nagahuwat pa sa ilang paghukom, naga-agi pa sa ilang paghukom, o nagahuwat pa sa hukom sa ilang kaso.[7] Daghang mga Pilipino ang ginapadayo’g priso tungod sa kakuwang sa abilidad nga makadepensa sa ilang kaugalingon — wala’y ikapyansa o ikabayad pampa-legal support ug sa uban pa’ng mga kinahanglanon nga pampadepensa sab unta sa ila. Kini ang kamatuoran sa kadaghana’ng pamilya nga apektado sa Giyera Kontra sa Ilegal nga Droga. Ug hangtod karun, daghan sa ila nga ang kaso wala pa miabot ngadto sa korte.

Dili kini mahimong masulbad pinaagi sa pagreporma sa sistema. Sukwahi sa atong naandan, kini’ng mga isyoha nagapakita nga ang sistema gyod ang problema. Ang “pagtarong” o ang “pagpa-paspas” sa “saktong proseso” sa paghukom kay dili makapahunong sa ginapadayon nga pagpanglupig sa mga tawo, ilabi na sa kato’ng mga nakasinati og pipila ka-pagpanglupig.

Gipanawag namo ang dekriminalisasyon sa libelo, ang pagwagtang sa sistema sa pagpiyansa ug sa pre-trial detention!

Wala’y hustisya sa pagpapriso![8] Wala’y tinuora’y nga kaluwasan ang pagpamulis ug pagpamriso. Sugdan nato ang pagatiman, pagpanalipod ug pagkatulubagon sa usa’g usa. Likayi ang pagpadayo’g pagdayeg og pagpanampit sa estado kay adto nata sa tinuora’y nga kaluwasan.

Busa, magkahiusa ta: Guba ang mga prisohan![9]

[1] Bureau of Jail Management and Penology (2022). “Jail Population Data (As of June 30, 2022).” Dataset. https://bjmp.gov.ph/images/data_and_stats/06-30-22/Jail-Population-Data.pdf

[2] Sa konteksto ng kilusang abolisyon, ang “decarceration” ay ang kabaliktaran ng “incarceration”: ang pagkulong, pagpiit, o pagkarsel. Maaaring ibig sabihin nito ang pagbawas sa bilang ng mga taong nasa loob ng bilangguan o bartolina. Ang aming mas malawak na kahulugan ay ang pagbawas, o di kaya’y pagwakas, ng ating pagtiwala sa mga sistema, ideolohiya, at lohika na naghahawla at nagkakadena. Salin mula sa Rochester Decarceration Research Initiative (n.d.). “What does “decarceration” mean?” https://www.sas.rochester.edu/rdri/about/faq.html
Sa paggamit namin ng “walang hustisya sa pambabartolina”, nais naming gumamit ng katagang madaling isapuso at maalala. Nais rin naming tukuyin ang pangaraw-araw na lohika ng hawla at kadena: hal. “ipapabartolina kita!”
Makabago pa ang konsepto ng “decarceration”. Ito ay nabuo mula sa karanasan ng mga kapwa nating sinasamantala ng imperyalismo: mga Black, Katutubo, mga lahing may kulay, LGBTQIA+, migrante, mga may-kapansanan. Habang tayo’y natututo at nakikinig sa isa’t isa ay maaaring may mas maganda at matunog pa na salita para sa konseptong ito.

[3] Sa kabila ng dagsa-dagsang pondo, malawang suporta, at panglelehitimo, ang mga sistema ng pamumulisya at pangkakarsel ay hindi nagtataguyod ng kaligtasan ng karaniwang tao. Ang mga sistemang ito ay pinapanatili at pinapatuloy ang pang-aapi dahil sila ay dinisenyo bilang sandata ng karahasan at pang-aapi.
Gaya ng paggamit namin ng “walang hustisya sa pambabartolina”, isinalin namin ang “abolish prisons and policing” bilang “tumbahin ang presinto” para ito ay madaling maisapuso at maalala.
Nais rin naming ipahiwatig na ang kahalagahan ng kalayaan, tulad ng larong-bata, ay ang pagpalago ng galak at pag-asa ng lahat ng kapwa-tao.
Sanggunian para sa “Abolishing Policing”: https://criticalresistance.org/abolish-policing/
Sanggunian para sa “Abolishing Cages”: https://criticalresistance.org/resources-for-abolishing-cages/

[4] Bureau of Jail Management and Penology (2022). “Jail Population Data (As of June 30, 2022).” Dataset. https://bjmp.gov.ph/images/data_and_stats/06-30-22/Jail-Population-Data.pdf

[5] “Decarceration is the opposite of incarceration. It can mean reducing the number of people in prisons or confinement. More broadly, we mean it to involve reducing, or eliminating, our dependence on systems, ideologies, and logics that cage and confine.” Rochester Decarceration Research Initiative (n.d.). “What does “decarceration” mean?” https://www.sas.rochester.edu/rdri/about/faq.html

[6] Despite all the funding, widespread support, and legitimization, systems of policing and incarceration have not been promoting safety. These systems maintain and perpetuate oppression precisely because they are forces of violence and oppression by design.; Resources for Abolishing Policing https://criticalresistance.org/abolish-policing/; Resources for Abolishing Cages https://criticalresistance.org/resources-for-abolishing-cages/

[7] Bureau of Jail Management and Penology (2022). “Jail Population Data (As of June 30, 2022).” Dataset. https://bjmp.gov.ph/images/data_and_stats/06-30-22/Jail-Population-Data.pdf

[8] “Sa konteksto sa Kalihokang Abolisyon, ang dekarserasyon kay bali na sa sa inkarserasyon: ang pagpamriso, paghalwa, o pagsumpo. Sa ato pa: ang pagkunhod sa mga tawo nga gipriso o gidakop. Buot pasabot namo: Ang pagkunhod o ang pagwagtang sa atoang pagsalig niining mga sistemaa, idolohiya, ug ang panabot nga mamriso ug manakop.“Rochester Decarceration Research Initiative (n.d.). “What does “decarceration” mean?” https://www.sas.rochester.edu/rdri/about/faq.html
Sa paggamit namo sa “wala’y hustisya sa pagpapriso!”, naggamit kami og pulong nga dali masabtan ug mahinumdoman. Gitudlo kanamo ang pamilyar nga pulong niini’ng panabot nga mamriso o manakop, nga sagad madunggan gyod kanato: “Ipapriso tika!” o “Ipadakop tika!”
Makabag-o pani ang konsepto sa “decarceration” o dekarserarsyon. Kini nga pulong nagagikan sa mga kasinatian sa mga gi-pagpanglupig sa imperyalismo: mga Black, mga lumad, mga people of color, mga LGBTQIA+, mga migrante, ug mga baldado. Samtang nagkat-on ug nagpaminaw kita sa usa’g usa, basin aduna’y mas maayo nga pulong para niini’ng konseptoa.

[9] Bisa’g sa kadagha’g pundo, suporta, ug legitimization, ang mga sistema sa pagpamulis ug pagpamriso kay wala nagapausbaw sa atong kaluwasan. Kini’ng mga sistemaa nagapadayon pa gihapon sa pagpanglupig kanato kay mao gyod kini ang iyang desinyo isip hinagiban sa kapintasan ug pagpanglupig.
Gusto namo ipasabot kaninyo nga ang kamahinungdanon sa kaluwasan kay ang pagpatubo sa kasadya ug paglaom kanato’ng tanan.
Kabtangan para sa “Abolishing Policing”: https://criticalresistance.org/abolish-policing/
Kabtangan para sa “Abolishing Cages”: https://criticalresistance.org/resources-for-abolishing-cages/